1
 2
 3
 4
 5
 6
 7
 8
 9
10
   Makasalanang Dila.


    Lahat tayo ay maykarapatang ipahayag ang mga bagay na gusto nating sabihin sa ating kapwa. Kaya nga mayroon tayong FREEDOM OF SPEECH. Pero kung gagamitin lang din naman  natin ito sa masamang bagay, parang pang-aabuso na ito. Binigyan tayo ng ganitong karapatan ngunit mayroon din itong kasukdulan. Dapat ay marunong  rin tayong makiramdam sa mga naka paligid sa atin. Makiramdam sa magigigng reaksyon sa lahat ng mga sasabihin. Makasalanang dila, maraming nasasabing hindi nararapat.

    Lahat tayo ay mayroong Makasalanang Dila. Kahit hindi natin amin may mga nasabi na tayong masama sa ating kapwa. Harapan man ito, kung ikaw ay mayroong malakas na loob. O ang Nakatalikod, ito yung nagsasabi ka ng masamang bagay sa isang tao habang siya ay wala o hindi nya maririnig yung sinasabi mo sa kanya. Kahit alin man sa dawang yan ang nagawa mo na sa iyong kapwa, ay pag-abuso na yan sa  iyong mga karapatan.

    Pag-abuso man ito o paraan natin para maipahayag ang ating gusto kung may nasaktan na sa mga nasabi natin kaylangan marunong din tayong magpakumbaba. Tanggapin natin ang ating pagkakamali. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng bawat tao may kaukulang pagpapatawad pa rin sa mga ito. Hindi masamang mapakumbaba o humingi ng paumanhin, hindi ito nakakabawas ng pagkatao.

    Ang pagtanggap sa kamalian ay pagpapakita na pagiging totoo natin sa ating kapwa. Mayroon man tayong Makasalanang Dila kung tayo ay marunong din magpakumbaba hindi tayo magmumukhang masama.